
NASAWI ang isang 80-taong gulang na babae habang 55 iba pang mga miyembro ng simbahan ang nasugatan matapos bumagsak ang bahagi ng isang balkonahe sa ikalawang palapag ng simbahan habang isinasagawa ang Ash Wednesday Mass sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ng Bulacan police, kinilala ang biktima bilang si Luneta Morales ng B8, L3, Phase 1, Dela Costa III, San Jose del Monte City.
Nangyari ang insidente bandang 7 ng umaga ng Miyerkules habang ang mga misa ay isinasagawa sa St. Peter the Apostle Church sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte City kung saan nakapila ang mga magpapalagay ng abo sa noo .ang kanang bahagi ng balkonahe ng simbahan, na gawa sa kahoy.
Kaagad natumulong ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), pulisya, at iba pang ahensya upang dalhin ang mga nasugatan na mga miyembro ng simbahan sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Tala Hospital, Brigino General Hospital, at Skyline at Grace Hospitals para sa agarang lunas.
Ang biktima ay namatay dahil sa cardiac arrest sa ospital.
Sa isang Facebook post ng San Jose del Monte Public Information Office, sinabi ni Mayor Arthur Robes na iniutos niyang agad na dalhin ang lahat ng nasugatan sa mga medical center para sa tamang medikal na atensyon.
Sinabi rin ni Robes na sasagutin ng pamahalaang lungsod ang mga gastusin sa medikal ng mga nasugatan.
Mga 400 katao ang nasa loob ng simbahan sa pagsunod sa Ash Wednesday nang mangyari ang insidente.