1 Pinay nakaligtas sa lindol sa Tukiye matapos ang 60 oras

Ni Len Dancel

NAILIGTAS ang buhay ng isang pinay matapos ang 60 oras na pagguho ng tumama ang lindol sa probinsya ng Hatay , ayon sa Philippine Embassy sa Turkiye.

Napaulat na isa si Juliva Benlingan na nagtatrabaho roon ang nawawala makaraan ang 7.7 magnitutude earthquake na tumama sa southeastern Türkiye nitong Pebrero 6.

Ayon sa kapatid ni Benlingan  na si Maribel, huling nakitang buhay  si Juliva noong Pebrero 9 pa, at matapos ang isang araw ipinaalam ng kanyang employer na sila ay umalis na sa gusali at iniwan ang pinay dahil sa ito ay patay na.

Agad na binisita ng kinatawan ng embahada ng Pilipinas na si Benlingan sa pagamutan sa probinsiya ng Adana .

Nagpapasalamat aniya ito dahil sa ipinagkaloob sa kanyang  ikalawang buhay.

Samantala , sa pinakahuling ulat ng  Andolu news agency nitong Lunes, umabot na sa 31,643 katao ang nasawi sa magnitutude 7.7 .

Higit 13 milyong katao na rin ang apektado sa 10 probinsya  kabilang ang Hatay, Gaziantep, Adiyaman, Malatya, Adana, Diyarbakir, Kilis, Osmaniye at Sanliurfa.