NAKILAHOK ang 100 batang Bacooreno na nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang sa isinagawang ResBakuna Kids na ginanap sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) ngayong araw ,Pebrero 7 . Ayon sa Department of Health 4-A babakunahan ang mga bata ng brand na Pfizer na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Agency (FDA).
Una nang nagpabakuna ang anak ni 2nd District Representative Strike Revilla na si Chaye na 5-anyos. Magkakaroon muli ng susunod na Resbakuna Kids sa darating na Miyerkules Pebrero 9 sa Sky Ranch, Tagaytay City.
Samantala,inaprubahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang Executive Order no.4 S.2022, ang pagpayag sa mga batang bakunado man o hindi na nasa edad 18 taong gulang pababa ang pumasok sa loob ng malls o commercial establishments sa lalawigan ng Cavite.
Inilabas ang Executive Order matapos ibaba sa Alert level 2 status ang probinsya mula Pebrero 1 hanggang 15.
Tanging 50 porsyento lamang ang maari sa indoor dine-in na indibidwal na fully vaccinated man o hindi, habang 70 porsyento naman ang outdoor dine-in.