KAUGNAY ng panawagang dagdag sweldo sa hanay ng mga manggagawang Pilipino, wala nang plano pang maghintay ang mga obrero sa magiging hakbang ng Regional Tripartite Wage Board (RTWB) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay dating Rep. Rene Magtubo ng Partido ng Manggagawa ,kailangang isabatas na lang ng Kongreso ang P100 kada araw na across-the-board wage increase, kasabay ng pasaring na walang mangyayari kung hihintayin pang gumalaw ang mga RTWB sa iba’t ibang rehiyon .
Natutulog sila sa pansitan sa nakaraang tatlong taon.
Instead, workers want Congress to pass a law mandating a P100 across-the-board wage increase,”ani pa nito.
Masyadong maraming paikot ang RTWB sa hangaring paboran ang mga employers.
Gayunpaman, naniniwala ang dating kongresista na may kapangyarihan ang Kongresong pagpasa ng batas para sa P100 kada araw na across-the-board wage increase sa gitna ng lumalalang krisis bunsod ng pandemya – at pinalala pa ng hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sa datos ng DOLE, Oktubre 2018 pa nang maipatupad ng RTWB sa National Capital Region ang kakarampot na umento sa arawang sahod, habang Oktubre 2020 naman ng magkaroon ng “slight wage adjustment” sa region 2.
“The worst off are workers in Calabarzon, where most factories are now situated, who last got a minimum wage increase on February 28, 2018.
None of the regional wage boards have done anything for the past three years since they are an instrument to cheapen wages.”