ISANG balasahan sa pwesto ang naganap sa rehiyon ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) kung saan 12 hepe ng pulisya ang nawala sa kani-kanilang pwesto.
Base sa listahan ng pulisya 7 ang nawala sa pwesto sa probinsya ng Batangas, 3 sa Laguna at 2 sa Quezon habang sa lalawigan ng Cavite at Rizal ay walang natanggal.
Nabatid na pinalitan ni 1st Provincial Mobile Force Company commander Lt. Col. Rix Villareal bilang hepe ng Lipa Citys si Lt. Col. Ariel Azurin .
Pinalitan naman ni Lt. Col.Diana Del Rosario bilang Batangas City police chief si Lt. Col. Dwight Fonte Jr.
Inilagay naman bilang chief of police sa Ibaan si Major Janver Cabata, habang sina Major Ronnie Aurellano sa Rosario, Major Danilo Manalo Jr sa San Luis, Major Fernando Fernando sa Taal at Major Richard De Guzman sa Tingloy.
Inilipat din sa pwesto ang mga hepe ng Laguna na sina Major Ajalino Balaoro sa bayan ng Liliw, Major Melencio Arcita Jr sa Magdalena, Major Jordan Aguilar sa Victoria na pinalitan nina Captain John Patrick Delos Santos, Captain Errol Frejas at Captain Myra Desiree Pasta ayon sa pagkakasunod.
Sa lalawigan naman ng Quezon ay binalasa rin ang mga hepe na sina Maj. Joseph Ian Java ng Malunay , at Maj. Marlon Comia ng Macalelon na siyang pinalitan nina Maj. Marlon Comia at Cpt. Harold Panganiban.
Ang pagkakaroon ng malawakang balasahan sa hanay ng pulisya sa Calabarzon ay dahil umano sa overstaying at upang mabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kakayahan ng iba sa kanilang husay sa pamumuno sa mga itinalagang lugar , ayon kay Calabarzon police director Brig. Gen. Carlito Gaces.