NAILIGTAS ang 12 pasahero ng Philippine Coast Guard (PCG) at lokal na pamahalaan (LGU mula sa isang lumubog na pampasaherong motorbanca sa karagatan ng Dapitan City, Zamboanga del Norte, bandang 5 ng hapon noong Enero 7, 2024.
Patungo sa Dapitan City mula Selinog Island ang mga ito nang nakakita ng mga tauhan ng Coast Guard at LGU ng mga tao malapit sa lumubog na motorbanca at agad na isinagawa ang rescue operation.
Nakaligtas ang 12 pasahero kabilang ang dalawang sanggol, bata, at walong matatanda.
Ayon sa mga na-rescue, nagmula sila sa Purok Langaman sa Talisay, patungo sa Rizal Shrine, Dapitan City, nang masira ang outrigger ng motorbanca na naging dahilan ng paglubog nito.
Dinal ana ang mga ito sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa Dapitan City para sa karagdagang tulong.