KUMPIRMADONG 156 ang mga namatay matapos ang pananalasa ni Tropical Storm Paeng , ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes.
Base sa pinaka huling ulat ng NDRRMC 121 namatay ay dahil sa tropical cyclone.
Kabilang na rito ang 63 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM); 32 mula Western Visayas; 20 sa Calabarzon; 3 sa Soccsksargen; 2 sa Central Luzon at 1 mula Cordillera Administrative Region.
Samantala 35 sa mga namatay ay inaalam pa, 14 rito mula sa Calabarzon ;3 sa Eastern Visayas ;4 sa Zamboanga Peninsula; 3 sa Mimaropa at Cagayan Valley;2 mula sa Bicol at Central Visayas at 1 sa Western Visayas at Soccsksargen.
Kaugnay nito,141 ang naiulat na sugatan habang 94 rito ay inaalam pa at 28 katao sa 37 ang nawawala pa .
Ayon pa sa NDRRMC, nasa 1,269,166 pamilya o 4,623,408 indibidwal ang naninirahan sa 9,481 sa mga barangay ang apektado ng bagyo.
Nasa 34,698 naman ang nawasak ang mga tirahan habang 31,558 bahay “partially damaged” at 3,140 ang “totally damaged” na mga tahanan.
May kabuuang aabot sa PH4.3 bilyon na imprastraktura at agrikulturab ang nasira ng bagyong Paeng.