Isang linggong accomplishments ng Laguna PPO na umabot sa 123 ang naarestong indibidwal laban sa illegal na droga at sugal kabilang ang loose firearms at wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.
Ayon kay Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Laguna ng Police Provincial Office, ang mga nagawa ng Laguna PNP sa isang linggo simula Nobyembre 1-6, 2022 ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamayan ng Laguna.
Nagsagawa ang Laguna PNP ng Anti-illegal Drugs Buy bust Operation, Anti-illegal gambling Operation, Manhunt Operation at Loose Firearms Operation.
Sa anti-illegal drugs , 40 buy bust operation ay nakapag aresto ng 58 na indibidwal kung saan kumpiskado ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 22.32 gramo at marijuana na may timbang na 34.39 na gramo na may halagang Php 166,690 pesos.
Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala ng 43 na operation kung saan arestado ang 26 na indibidwal at umabot naman sa Php 32,128 ang nakumpiskang pera.
Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapag aresto 39 wanted persons kabilang sa 12 most wanted sa regional level si Randolph Villanueva Bitong dahil sa kasong Qualified Statutory Rape (3 counts), Qualified Rape Through Sexual Assault (3 counts), Acts of Lasciviousness, at sa kampanya naman sa loose firearms kumpiskado ang dalawa (2) na loose firearms sa isanagawang dalawang (2) operations.
Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng illegal na gawain dito sa lalawigan ng Laguna upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamayang ng Laguna.