MULA nang mag-simulang ipatupad ang gun ban ng Commission on Elecrions(Comelec ) para sa darating na halalan 2022,umabot na sa kabuuang 1,636 ang nahuling lumabag rito.
KAbilang sa mga naaresto ay ang 1,589 sibilyan, 23 security guards, 15 police officers, at 9 na military personnel.Sa 1,516 isinagawang operasyon ng pulisya, nasa 1,268 ang aramas ang narekober,7,106 ang mga nakulimbat nab ala habang 586 ang mga nakamamatay na kagamitan .
Sa inilabas na talaan ng Philippine National Police ,nangunguna sa limang rehiyon ang National Capital Region na may 536,nasa 171 naman sa Central Visayas ,116 sa Central Luzon,173 sa Calabarzon at 93 sa Western Visayas.
Nagsimula ang Comelec Resolution No.10728 kung saan pinagbabawalang magdala o pagbibitbit ng mga nakamamatay na armas sa mga pamblikong lugar simula noong Enero 9 hanggang Hunyo 8 .Hindi kabilang ang mga law enforces ngunit dapat otorisado sila ng kanilang ahensya sa pagdadala nito.