LABING-PITONG Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ang sinanay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ukol sa paggawa ng Enterprise Operations Manual.
Layon ng aktibidad na turuan ang mga dumalo na gumawa ng sarili nilang manwal sa pagpapatakbo ng negosyo kung saan nakapaloob dito ang mga sistema, hakbang, polisiya, at alituntunin sa bawat gawain sa negosyo .
Ayon kay Bb. Kristel Jane Vito ng Business Development Officer ng Philippine Rural Development Project (PRDP) 4A, ang isang grupo na magsisimula ng isang negosyo ay kinakailangan magkaroon ng manwal sa bawat aktibidad sa pagpapatakbo ng negosyo. Ito ang magiging pamantayan nila o susunding sistema sa kanilang negosyo.
Taos pusong pasasamalat sa DA-4A ang pinaabot ni Gng. Janet Balili ng Infanta-Gen. Nakar Producers Cooperative. Aniya, napakalaking tulong ng mga ganitong pagsasanay sapagkat natuto silang bumuo ng kanilang sariling pamantayan sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Ang iba pang FCA’s na nakapagpadala ng kani-kanilang mga representante sa naturang pagsasanay ay ang Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan (SICAP) Quezon Agriculture Cooperative, High Value Crops Marketing Cooperative, Silang Cacao Growers Association, Quezon Agricultural Farmers Multipurpose Cooperative, Rosario Farmers Association, Jala-Jala Farmers Marketing Cooperative,
Bailen Coffee Growers Association, Calamba Upland Farmers Multipurpose Cooperative, Gen.Trias Dairy MPC, Grupong Magsasaka ng San Nicolas, Pinagdanlayan Farmers Association Inc., Alabat Cacao Growers Association, Luisiana Cacao Growers Cooperative, Tumbaga I Bucal Irrigators Association (TIBIA) Inc. at ang Corn Growers Association of Tayabas.