
UMABOT na sa 2,302 pamilya sa anim na rehiyon ang apektado ng a masamang panahon na dala ni bagyong Goring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Lunes.
Apektado ang tinatayang nasa 7,919 katao ang naninirahan sa 93 barangays sa ilocos region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region.
Nasa 538 indibidwal naman o 1,948 katao ang pansamantalang nasa 53 evacuation centers. Kung saan nasa 107 pamilya o 359 katao naman ang nasa ibang lugar.
Sinabi naman ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga inilikas na pamilya ay yung mga talagang kinakailangan alisin sa kanilang lugar habang ang iba naman ay nanatili sa kanilang tirahan dahil sa hindi naman lubhang delikado.
Wala naman naiulat na nasaktan dahil sa bagyong Goring.
Nakahanda na rin ang PHP2.37 billion na pondo at relief goods para sa mga nasalanta o apektado ng bagyo.