2 aktibista inamin ang pagdukot umano ng militar, hindi sumuko

Ni Emmanuel Santiago

TINARAYDOR ang naging pakiramdam ng National Task Force to End Local  Communist Armed Conflict sa  Plaridel, Bulacan matapos bumaligtad ang dalawang sumukong environment activists kamakailan.

 Sa isinagawang pressconference  mismo ng NTF-ELCAC, itinanggi ng dalawang environmental activist  na sina Jonila Castro at Jhed Tamano na sila ay kusang sumuko sa militar . Inilahad nila rito na sila ay dinukot at pinuwersang pinalagda sa isang dokumentong naglalahad ng kanilang di umano’y pagsuko.

Anila, “Ang totoo po ay dinukot kami ng mga militar sakay ng van. Napilitan din kami na sumurrender dahil pinagbantaan yung buhay namin. ‘Yun po ang totoo,” ani  Castro ng AKAP Ka Manila Bay isang grupo na tumututol at nagpapatigil sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Samantala, inihayag naman ni Tamano, coordinator ng  Ecumenical Bishops Forum, na naglalakad sila ni Castro nang bigla silang hablutin.

“May tumigil pong SUV sa harap namin tapos dinukot po kami. Pinilit kami pasamahin sa kanila,” . “Yun din po yung totoo. Akala po namin sindikato pero kilala po nila kami.”

“Hindi rin namin ginusto na mapunta kami sa kustodiya ng mga militar. Hindi rin totoo yung laman ng affidavit dahil ginawa yon, pinirmahan yun sa loob ng kampo ng militar. Wala na kaming magagawa sa mga pagkakataon na yun,” ani Castro 

Tasahang namang itinanggi Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, commander  70th IB ang nasabing akusasyon.

“Ang pinanghahawakan po namin ngayon kasi pumirma po sila ng kustodiya,”  ani Dela Cruz.