SA kabila ng walang tigil na pag-ulan sa ilang bahagi sa Mindanao , inilikas ng Philippine Coast Guard ang 20 pamilya sa dalawang barangay sa Maco, Davao de Oro ngayong araw, ika-16 ng Enero 2024.
Ayon sa PCG umabot na hanggang bewang ang pagbaha kaya naman tinulungang lumikas ng mga residente sa mga Barangay Bucana at Hijo sa bayan ng Maco.
Inihahatid nila ang mga residente sa pinakamalapit na evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa local na pamahalaan ng lungsod.
Samantala, patuloy pa ring naka-antabay ang mga Coast Guard sa p kung kakailanganing magsagawa ng evacuation o rescue operation sa mga susunod na oras.
