HINATULANG guilty ng Municipal Trial Court ngayon araw ng Biyernes ang dalawang dating kadete ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa kasong slight physical injury kaugnay sa pagkamatay noong 2019 ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio .
Sa desisyong inilabas ni Judge Roberto Mabalot , convicted ang mga kadeteng sina Julius Carlo Tadena at Christian Zacarias at pagkakakulong ng 30 araw na may kaukulang bayarin na 100,000 para sa moral damages at 50,000 naman sa attorney’s fee.
Gayunpaman, ang ibang akusado na sina PMA doctors Capt. Flor Apple Apostol at Maj. Ma. Ofelia Beloy maging si Lt. Col. Caesar Almer Candelaria naman ay acquitted naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Nag-ugat ang pagkamatay ni Dormitoryo noong Setyembre 18, 2019 nang matagpuang walang malay sa loob ng kanilang barracks sa Mayo Hall of PMA, Fort Del Pilar.
Si Dormitorio , 20 anyos na nagmula sa Cagayan de Oro City ay binigyang parusa ng kanilang upperclassmen makaraang mawala ang kapares na boots ng isang senior cadet.