
AGAD na naaresto ang dalawang suspek sa pagpatay sa reelectionist na barangay chairman sa Taal , Batangas nitong nakaraang Martes matapos ang isinagawang followup operation ng mga otoridad .
Sa binuong Special Investigation Task Group (SITG) na pinagunahan ni Batangas police director Police Col. Samson Belmonte agad inaaresto sina Peter Paul Lozande at MJ de Villa ngayong araw ng Huwebes, September 7.
Mga nagsilbing kasabwat ng gunman at kasama nitong rider ang mga naaresto kung saan itinapon nito ang mga ginamit na helmet at damit sa Barangay Halang bandang 2:30 ng hapon.
Matatandaan na nangyari ang pananambang sa biktimang si Erasmo Hernandez, chairman ong Barangay Poblacion Zone 10 sa Taal kung saan pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harap ng barangay hall bandang alas 7:20 ng umaga .
Sinampahan na ng mga kasong Murder at obstruction of justice ang mga kasabwat ng suspek sa Provincial prosecutor’s office .
“The murder of Hernandez is very unfortunate but we will exert our best efforts in solving this crime to bring justice to the family of the bereaved. We will strengthen our anti-criminality campaign even further to avoid this kind of incident in the future, ” ayon kay Belmonte .