ARESTADO ang dalawang Most Wanted Person sa regional level ng Philippine National Police Calabarzon sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba ng Cavite PMFC, 401st A MC RMFB4-A, HPG Cavite at Silang Municipal Station sa lalalwigan ng Cavite.
Kinilala ni CIDT Cavite Provincial Officer Lt Col Benedick Poblete ang suspek na si Salvador Arnedo II, 22 anyos na tubong Pangasinan.
Si Arnedo ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 3 ong RA 10853 o New Anti-Carnapping Act na inisyu ni Hon. Minelli Rocio-Carvajal, Assisting Judge ng RTC Br. 18 ng Tagaytay City, Cavite na may P300,000 bail .
Samantala, nadakip naman ng tracker teams ng CIDG agents ang suspek na si Israel Barrameda.
Naaaresto si Barrameda dahil sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa kanyan na inisyu ni Presiding Judge Fernando Felicen ng RTC Branch 20 sa Imus ,Cavite na walang nirekomendang piyansa.
Nabibilang ang suspek bilang regional most wanted Person dahil sa panunutok ng baril sa isang kostumer sa Arcontica Bar noong taong 2006.
Ayon kay CIDU4A Regional Chief Lt Col Joel Manuel Ana nagtago ng 15 taon sa batas ang suspek at nagpalipat-lipat ng tirahan ito ngunit nasakote ng CIDG Cvite sa #75 Bylon Ville, Barangay Bayan Luma 3, Imus City Cavite.