
NATIMBOG sa dragnet operation ng mga otoridad ang dalawang pekeng pulis na nanloob at dumukot sa dalawang biktima sa isang motel sa Binan City, Laguna noong araw ng Martes.
Nabatid ni PCol Harold Depositar, Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alias Balong at alias Juan, pawang residente ng Binan City, Laguna
Ayon kay PLt Col Virgilio Jopia hepe ng Binan CPS, nakatanggap ng tawag ang Binan CPS mula sa isang Motel sa Brgy Antonio, Binan City tungkol sa panghohold-up at pagdukot sa dalawa nitong guests kaya naman agad na nagtungo ang kapulisan sa nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Binan CPS, pinasok ng dalawang suspek ang kwarto ng mga biktima at nagpakilalang pulis.
Agad na dinukot ang mgaito at isinakay sa isang kotse at doon isinagawa ang pang hoholdap sa mga biktima .
Natangay ng mga suspek ang mga alahas ,pera at mga mahahalagang kagamitan ng mga biktima na nagkakahalaga ng sampung libong piso (PhP 10,000.00).

Matapos ang panghohod-up ay agad ibinaba ang mga biktima sa sa Brgy. Platero na naging pagkakataon ng mga ito upang makahingi tulong sa pulisya at ipaalam ang nasabing insidente.
Agarang nagsagawa ng dragnet operation ang Binan CPS na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga suspek sa Manabat Street, Brgy Antonio Proper, Binan City, Laguna.
Narekober sa mga suspek ang dalawang (2) caliber .38 na baril, tatlong (3) piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at ang mga alahas at pera ng mga biktima na nagkakahalagang sampung libong piso (PhP 10,000.00).
Kasalukuyang isinasagawa ang follow-up operations upang mahuli ang apat (4) pang mga suspek na kasabwat sa panghoholdap at pagdukot sa mga biktima.
Sasampahan sa Prosecutor’s Office ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Omnibus Election Code), Republic Act 9165, Abduction, Robbery Hold-Up, at Usurpation of Authority.
Sa pahayag ni PCol Depositar, “Nararapat lamang na masawata ang mga modus operandi katulad nito. Ako po ay nagpapaabot din ng pasasalamat sa ating mga concerned citizens at establishments na talagang tumatalima sa shared responsibility sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang lokalidad.”