PATAY na ang dalawa sa apat na pinoy na nawawala ang natagpuan sa gumuhong gusali nang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang bansang Turkey at Syria kamakailan.
Nakuha ang labi ng dalawang Pinoy sa Ankara, isa sa mga lungsod na lubhang napinsala ng lindol noong nakalipas na Lunes ayon sa inisyal na ulat ng Philippine Embasy .
“It is with deepest regret that the embassy must inform the public of the passing of two Filipinos, both earlier reported to be missing in Antakya,” saad ng pahayag ng embahada.
“The embassy and the consulate general express their deepest condolences and are in coordination with the victims’ families in both the Philippines and in Türkiye.”
Samantala, malugod na ibinalita naman ang pagkakatagpo ng dalawang iba pang Pilipino – buhay at nasa maayos na kalagayan, habang patuloy ang isinasagawang relief, rescue at evacuation operation ng Philippine Embassy sa hanay ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Sa datos ng pamahalaan, nasa 10 pamilyang Pinoy na ang nailikas na sa ligtas na lugar sa Ankara.
Base sa pinakahuling bilang, nasa 21,00 katao na ang namatay sa pinakamapaminsalang lindol sa mga naturang bansa.