Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang Most Wanted Person Regional Level na may kasong rape sa magkahiwalay na manhunt operation ng Laguna Pulis kahapon , Martes.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang akusado na sila alyas Mark, residente ng Liliw Laguna at alyas Lolito residente naman ng Nagcarlan Laguna.
Sa ulat ng Liliw Municipal Police Station, nagkasa sila ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng akusadong si alyas Mark na nakatala bilang Rank no. 7 Most Wanted Person Regional Level sa ganap na 3:12 ng hapon nitong Agosto 1, 2023 .
Isinagawa ang nasabing operasyon sa Brgy. Bubukal,Liliw, Laguna sa pamamagitan ng isang warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region Branch 6 Sta Cruz, Laguna na nilagdaan ni Hon. Suwerte L. Ofrecio, Presiding Judge.
Nahaharap ang akusado sa kasong Statutory Rape (4 counts) na walang piyansang nirekomenda.
Samantala, nagkasa naman ng joint manhunt operation ang Nagcarlan Municipal Police Station at Ragay MPS, Cam Sur ganap na 8:30 ng gabi Agosto 1, 2023 sa Brgy. Liboro, Ragay, Cam Sur na nagresulta sa pagkakadakip ng akusadong si Alyas Lolito.
Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, 4th Judicial Region, Branch 7, San Pablo City, Laguna na nilagdaan naman ni Hon. Myla Villavicencio-Olan, Presiding Judge. Nahaharap ang akusado sa kasong Qualified Statutory Rape na walang kaukulang piyansa.
Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating unit habang agad namang iimpormahan ang mga korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest hinggil sa pagkakaaresto sa mga akusado.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar “Ang mga operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas ay tugon sa panawagan ng pamunuan ng Regional Director PRO Calabarzon, PBGen Carlito Gaces at Chief PNP, PGen Benjamin Acorda Jr na paigtingin pa ang mga operasyon laban sa mga Wanted Persons at maging sa lahat ng uri ng krimen sa buong Lalawigan ng Laguna. Sa pagkaaresto ng mga akusadong ito ay tinitiyak ng pamunuan ng Laguna PNP na makakamit ng mga biktma maging ng kanilang pamilya ang hustisyang nais nilang makamtan.