PUMALO na sa 20 katao ang bilang ng mga naarestong Most Wanted Person mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Calabarzon sa loob ng isang Linggong operasyon mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4, 2022.
Base sa kanilang talaan, nasa 28 ang nahuli laban sa illegal na sugal. Nasa 5,5000 piso ang halagang nakulektang ebidensya .
Sa pagpapatupad naman ng other Law Enforcement Activities o OLEA, umabot sa 9 na katao ang naaresto , 6 rito ang sinampahan na ng kaukulang kaso .
May kabuuang 162,000 piso ang nakolektang halaga na gagamitin bilang ebidensya laban sa mga akusado.
Ayon kay CIDG RFU4-A Officer in charge na si Police Lt.Col.Joel Manuel Ana, “ The numbers show the CIDG RFU 4A’s commitment ang dedication to fulfill its mandates against all forms of criminality to support the Police Regional 4-A in enhancing the peace and order situation in the Calabarzon region.”