November 29, 2023

200 pamilya nagsilikas na sa Malanday, Marikina City

Ni Chris Lucas

UMABOT sa higit 200 pamilya o 1254 na indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyang evacuees  sa  Malanday Elementary School sa Marikina City bunsod ng peligro sa pagbaha ng bagyon “Paeng”.

Ang ibang pamilya naman ay dinala sa Concepcion National Highschool dahil sa sobra na ang kapasidad ng mga nagsilikas at nagtiungo sa paaralan.

Samantala, sa Bulelak Covered Court ay mayroong 61 families o 275 na indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan.

Ipinagpapasalamat naman ni Kapitan Mark Alfonso ng Barangay Malanday ang pagiging maagap ng kanyang mga kababayan. Aniya, dahil sa karanasan sa mga nagdaang kalamidad. Dagdag pa ni Alfonso, handa ang buong pwersa ng barangay upang umalalay sa mga evacuees.

Panawagan naman ng pamahalaang lungsod sa mga residenteng nakatira sa gilid ng ilog, lalo na yung mga nasa barangay Nangka, Tumana, Malanday, Sto. Niño, Barangka, ,Kalumpang at Tañong na maging alerto sa lahat ng sandali habang ang bagyong paeng nasa bansa pa at magdudulot pa rin ng malawakang pag-ulan.