ARESTADO ang 21 empleyado ng illegal online casino sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng Biñan CPS at San Pedro CPS nitong Lunes .
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na naaresto ng Binan PNP na sina alyas Heimrich, Jhundel, Denzel, Japhet, Aaron, Jonathan, John, Borgy, Christian, Bren, Jon, Robert, Anthony, Philip John habang naaresto naman ng San Pedro PNP sina alyas Kimberly, Kent, Darwin, Jezreel, Mary, Dan, at si Estefen sa naturang lugar.
Sa ulat ng Biñan City Police Station sa pamumuno ni PLtCol.Virgilio Jopia Hepe ng Biñan CPS, ikinasa ang anti-illegal gambling nitong Lunes sa ganap na 9:15, ng gabe sa may Block 16 Lot 2 Tennessee Street Southville Town and Country Brgy Sto Tomas Biñan, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos mahuli sa aktong nangungulekta ng bet money para sa online casino.
Kumpiskado naman sa mga suspek ang 7 Sets ng desktop ocmputer, 2 wireless router, 1 Home WiFi Mesh System (Converge), 1 Telephone, 11 Sachet ng hinihinalang dried Marijuana leaves at drug paraphernalia.
Sa ulat naman ng San Pedro City Police Station sa pamumuno ni Lt Col.Victor Ben Isidore Aclan hepe ng San Pedro CPS, ikinasa ang joint anti-illegal gambling operation kasama ang PSOU-LPPO at PIU-LPPO Lunes sa ganap na 5:30 ng hapon sa may No. 14 Macaria Avenue, B1 L13 Phase 3-A, Brgy. Pacita 1, San Pedro City, Laguna, na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos mahuli sa aktong nag ooperate ng online casino.
Nakumpsika sa mga suspek ang pitong 7 set ng desktop computer marked with LUCKY CROWN 888 (composed of Monitor, CPU, Keyboard, Mouse, AVR), 2 PLDT internet Router, 2 Units Mobile Phones, 1 Router Hub, Assorted Mobile Network Sim Cards, Php 29, 500 bet money, narekober naman sa mga suspek ang marked money.
Kasalukuyan nasa kustodiya na Binan CPS at San Pedro CPS custodial facility ang mga nasabing suspek habang nahaharap naman sila sa kasong kriminal na Viol. of PD 1602 as amended by RA 9287 in relation to RA 10175, at sasampahan naman ng kasong kriminal na RA 9165 “Dangerous Drug Acts of 2002” sina alyas Heinrich, Jundel, Denzel, Aaron, John, Jon at si John matapos mahulin ng hinihinalang illegal na droga.
Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Hindi kame tumitigil sa pagsagawa ng mga operation laban sa mga illegal na gawain at makakaasa kayo na mas paiigtingin pa namin ang aming mga operation laban sa mga illegal na pasugulan dito sa lalawigan ng Laguna.