254 katao tiklo sa week-long operation ng PNP Batangas
Ni Alex dela Cruz

NALAMBAT ang 254 katang sangkot sa iba’t ibang paglabag sa batas sa isinagawang isang linggong police operations Batangas Police nitong Hunyo 15-22, 2023
Ayon kay Acting Provincial Director Police Colonel Rainerio Chavez ng Batangass Police Provincial Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Carlito Gaces kabilang ang labindalawang (12) katao na nahulihan ng mga iligal na baril nang ihain ang mga Search Warrant habang apatnapu’t dalawa 42 naman ang nai-turn-over sa awtoridad sa ilalim ng programang BALIK-Armas(BALIK- (Batanguenong Layuning Ilagak sa Pulis ang kanilang armas para sa Kapayaan).
Nadakip rin ang mga taong wanted sa batas kabilang ang 82 katao ang nahuli sa bisa ng mga warrant of arrests; limampu (50) rito ay mga tinaguriang Most Wanted Persons kung saan kabilang dito ang limang (5) MWP Regional Level, limang (5) MWP-Provincial Level, at walong (8) ma MWP-City/Municipal Level.
Nasa 67 na mga drug personalities din ang nahuli sa iba’t ibang anti-illegal drug operations kung saan tinatayang 134.74 gramo ng shabu na may kabuuang halaga ng higit kumulang P929,706.00
Umabot sa 93 katao ang huli sa anti-illegal gambling operations. Nasamsam mula sa mga naaresto ang nasa P45,857.00 na bet money.
Sinabi ni Chavez na “Nananawagan kami sa publiko lalo na sa mamamayan ng Batangas, sa inyong patuloy na pakikiisa upang mas maging matagumpay ang kampanya natin laban sa kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa probinsya. Makakaasa po kayo sa walang humpay na pagpapatupad namin ng batas”.