BINISITA ni Senator Imee R. Marcos ang mga bayan ng Calauan at Bay, Laguna upang pangunahan ang distribusyon ng tig-P3,000 grants sa mga piling benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ngayong Agosto 2, Miyerkules.
Umabot sa 2,000 benepisyaryo ng AICS ang tumanggap ng pay-out na karamiha’y mga senior citizen, solo parents, PWDs, miyembro ng mga TODA at mga mahihirap. Dumaan sa assessment at interview ng Municipal Social Welfare and Development Office ang mga nag-sumite ng aplikasyon sa programa.
Ayon kay Sen. Marcos, ito ang isa sa mga paraan ng kanyang opisina upang matulungan ang mga mahihirap sa nararanasang pagtaas ng mga presyo ng bilihin at upang matulungan ang mga mamamayang lubhang naapektuhan ng pandemya.
Bukod sa AICS pay-out, namahagi rin ng nutribun at mga laruan ang senador para sa mga bata.
Nangako si Sen. Imee na patuloy siyang tutulong at magpapatupad ng mga programang magpapaunlad sa lalawigan ng Laguna gaya ng karagdagang assistance programs sa mahihirap, pagtangkilik sa mga lokal na produkto, at pangangalaga sa kalikasan.PIA Laguna