NASAKOTE ng mga tauhan ng BOC ,PDEA at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang warehouse sa NAIA ang mahigit 3.8 milyong halaga ng shabu.
Ang outbound express package ay ideneklarang eyelash sets, electric hair dryers at electric hairbrushes ang mga naharang sa DHL Express Gateway Warehouse sa NAIA
Dahil sa nakitang kahinahinalang itsura sa x-ray machine kaya dito isinalang sa physical eaxam at dito na tumambad ang 560 grams na shabu o methamphetamine hydrochloride, na tinatayang may street value na PhP 3,808,000.00.
Ikinasa ng BOC at PDEA ang imbestigasyon laban sa shipper at consignee bilang paghahanda sa kasong mga isasampa na RA 9165 (The Dangerous Drugs Act of 2002 ) at RA 10863 (Customs Modernization Act (CMTA).