
PINAGBABAWALAN nang makapasok ng bansa ang tatlong Amerikanong convicted an pedophiles.
Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang dalawang pedophiles ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang isa ay sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
Nabatid ng imminigration sa NAIA Terminal 1 noong Abril 25 na ang 81-anyos na si David Earl Uland na dumating lulan ng Eva Air flight mula sa Taipei.
Na-convict si Uland ng US court noong 1999 para sa pambubugaw sa isang menor de edad.
Nitong Mayo 1, ang pasaherong si Peter John Cruz, 64-anyos naman ay hindi rin pinayagan na pumasok sa NAIA Terminal 3 na lulan naman ng United Airlines flight mula sa Guam.
Dalawang beses na na-convict si Cruz noong Nobyembre 1992 ng hukuman sa Guam dahil sa sexual misconduct kung saan ang kanyang biktima ay isang 14-taong gulang na babae.
Naharang naman sa paliparan ng Mactan noong Mayo 3 ang 56-taong gulang na si Clarence Paul Nique, na dumating din mula sa Taipei sa pamamagitan ng Eva Air flight.
Nahatulan noong 2014 sa hukuman sa Michigan si Nique sa kasong sexual conduct kung saan ang kanyang nabiktima ay isang pitong-taong gulang na bata.
Ang mga dayuhang convicted ng mga krimen na may kinalaman sa moral ay hindi na hinayaang makapasok ng BI sa bansa kung kaya’t pinabalik ang mga ito mula sa kanilang lugar na pinanggalingan.