
KASADO na ang tatlong araw na tigil pasada ng grupo Piston simula sa Lunes Nobyembre 20 .
Hinihiling kasi ng grupo sa gobyerno na ipatigil ang modernisasyon ng PUV na nagtakda sa mga operator at driver sa itinakdang December 31 deadline para sa pagbuo ng mga coopratiba.
Tinatayang 100,000 jeepneys ang lalahok sa buong bansa.
Maaapektuha rin ang nasa 40 ruta kabilang ang mga biyaheng Monumento,Baclaran,Katipunan ,Novaliches ,Commonwealth at ilang pang bahagi ng Metro Manila.
Pinaghahandaan na LTFRB at ang mga ahensiya at local na pamahalaan na tutulong sa mga mananakay na magkaroon ng libreng sakay