ARESTADO ang tatlo katao matapos lumabag sa Omnibus Election Code Liquor Ban sa Pila Laguna.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depostitar, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Menard, Jenny at Eric na residente ng Sta Rosa City, Laguna.
Sa ulat ni PMaj Abelardo Jarabejo III, hepe ng Pila Municipal Police Station, habang nagpapatrolya ang kapulisan dakong 1:58 ng umaga Oktubre 29 ay namataan nila ang tatlong kalalakihan habang umiinom ng alak. Agad na sinaway ito dahil nilalabag nila ang umiiral na Omnibus Election Code Liquor Ban subalit hindi nakinig ang mga kaya naman agad itong inaresto ng mga otoridad.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pila MPS ang mga suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa reklamo laban sa kanila na paglabag sa Sec. 261 of the Omnibus Election Code (Liquor Ban) at Disobedience to person in authority.
Sa pahayag ni PCol Depositar “Pinapaalalahanan ko ang ating mga kababayan na sundin ang mga patakaran ngayong eleksyon upang maisagawa natin ng maayos at payapa ang BSKE 2023. Ito ay babala din sa ating mga kababayan na iwasan lahat ng ipinagbabawal ngayong halalan upang makaiwas din sa pagkakaroon ng kaso at pagkakakulong.”