3 sangkot sa trahedya sa Binangonan kinasuhan

Ni Alex dela Cruz

KAKAHARAPIN ang mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, multiple injuries at negligence  ang ikinaso ng Rizal PNP  ‘provincial office sa Philippine Coast Guard officer, may-ari  at kapitan  sa tumaob na motorized banca  sa Binangoanan ,Rizal.

Ayon kay Capt. Mariesol Tactaquin, Public Information officer ng Rizal PNP, kinasuhan na noong Sabado pa sina Donald Anain, kapitan ng Aya express , may-ari ng banca na si Rufino Antonil at ang duty noong araw na iyon na si PCG officer  na si PO2 Jay Rivera .

Si Anain ay nasa pangangalaga na sila ng Rizal PNP habang ang dalawa ay nanantiling pinaghahanap ng mga otoridad ngunit mayroon nang inilabas na warrant of arrest upang dakpin sila.

Matatandaang , lulan ng bangka ang 70 katao  patawid ng  Talim Island sa Barangay Gulod, Binangonan nang mangyari ang insidente.

Nasawi ang  27 habang 43 naman ang nakaligtas.