Skip to content
June 14, 2025
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
logo

Direct from the source

Primary Menu
  • Home
  • Nation
  • Regions
  • Feature
  • Metro
  • Business
  • Entertainment
  • International
  • Healthbits
  • Tourism
Live
  • Home
  • Metro
  • 300 fire victims, nakatanggap ng calamity assistance sa mga Cayetano
  • Metro

300 fire victims, nakatanggap ng calamity assistance sa mga Cayetano

admin April 5, 2024
Messenger_creation_fc13fb3c-5d0e-4a3d-aae3-2be051b24dfd
Post Views: 394

“MAGSISILBING panimula po ito sa mga residenteng nasunugan. Magagamit nila ito upang makapagpatayo ng munting bahay at negosyo.”

Ito ang makabagbag-damdaming mensahe ni Pasay City Barangay Kagawad Edward Nacional kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano dahil sa pagsasagawa ng kanilang opisina ng isang calamity assistance drive para sa 47 residenteng nasunugan sa Malibay sa lungsod ng Pasay noong March 8, 2024.

“Salamat po sa ating mga magigiting na senador,” wika ni Nacional sa ngalan ng apektadong komunidad habang isinasagawa ang assistance drive nitong Miyerkules, April 3, sa Malibay Plaza.

Isa sa mga biktima ng sunog ang pamilya nina Marites Villa. Ibinahagi niya ang nakatatakot na eksena nang sumiklab ang apoy bandang alas otso ng gabi noong March 8, 2024.

“Maghahakot sana kami ng gamit kaso sumalubong na sa amin ang ubod na kapal ng usok. Kaya sabi ko sa asawa ko, huwag na kami maghakot, mga papeles na importante na lang. Ang mga gamit madali pa mabili, pero ang buhay natin hindi maibabalik,” kwento ni Villa.

Ito aniya ang dahilan kung bakit malaki ang pasasalamat niya sa pagtulong ng magkapatid na Cayetano sa kanila at iba pang biktima ng sunog. “Salamat po dahil may mabibili kaming gamit sa ibinigay ng mga Cayetano,” wika niya.

Noong Abril 3 naman, 48 residente ng Marikina City na biktima rin ng sunog noong Pebrero 18, 2024 ang nakatanggap ng calamity assistance mula sa mga senador.

Sinabi ni Antonio Reyes, isa sa mga nasunugang residente, na bago mag-alas otso ng umaga sumiklab ang sunog kung kaya’t karamihan sa mga pamilya ay nasa labas ng kanilang mga tahanan para sa paaralan o trabaho.

“Kaya walang natira, as in ubos ang mga gamit,” mangiyak-ngiyak na ikinuwento ni Reyes habang isinasagawa ang assistance drive sa Twinville Civic Center sa Marikina City. “Sa ngayon pinipilit namin tanggapin. At least walang nasaktan sa pamilya at mapapalitan ang gamit kahit papaano.”

Kahit mahirap tanggapin ang sitwasyon, sabi niya na nagtitiwala siya sa Panginoon na bibigyan siya at ang kanyang pamilya ng lakas na malapagpasan itong trahedya.

“Sa ating Panginoon tayo humuhugot ng lakas para matuloy ang pamumuhay kasi magulo pa isip namin. Nakakawindang. Pero kakayanin po. Hindi naman pwede huminto, tuloy pa rin,” ibinahagi ni Reyes.

Dagdag pa niya na ang tulong na natanggap niya mula sa mga senador ay makakatulong sa kanilang pamilyang magsimula muli.

“Idadagdag [ko ito sa pambili] kung ano ang pangangailangan sa bahay. Nagpapasalamat po kami kila Senador Alan at Pia Cayetano. Sampu ng aming mga magkakapitbahay, maraming salamat po sa blessing na ipinagkaloob ngayong araw na ito,” aniya.

Sa sumunod na araw, April 4, bumisita naman ang team ng mga Cayetano sa Parañaque City kung saan tinulungan din nila ang 205 resident na naapektuhan ng sunog noong February 28 sa Barangay San Isidro.

Matagumpay na isinagawa ang mga drive na ito sa tulong at koordinasyon nina Pasay Barangay Kagawad Gemma Conde, Kagawad Edward Nacional, dating Marikina Barangay Captain Ziffred Ancheta, Kagawad Jimmy Ancheta, Kagawad Khel Nuñez at SK Chairman CJ Ancheta, at Paranaque Barangay Captain Noel Japlos.

Bahagi ang assistance drives na ito ng Emergency Response Program ng mga Cayetano upang magbigay ng tulong pantawid at pang-ahon sa mga apektadong Pilipino na mga biktima ng sunog, lindol, bagyo, aksidente, at iba pang kalunos-lunos na insidente.

Continue Reading

Previous: Marcos signs law dividing Bagong Silang in Caloocan City into 6 barangays
Next: DOH conducts Healthy Region 1 Caravan in Ilocos Sur

Related Stories

FB_IMG_1749543916125
  • Metro

P816-M shabu na itinago sa chip boxes mula California nasabat sa Pasig

admin June 10, 2025
Screenshot_20250610_092551_Yahoo Mail
  • Metro

Brigada Eskwela in Brgy. Payatas, QC pushes for toxics-free, waste-free opening of classes

admin June 10, 2025
fireee
  • Metro

5 patay sa sunog sa Pasig City

admin June 6, 2025

Archives

Categories

Recent Comments

  1. meaning of allahumma barik laha on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  2. 오피 on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  3. togel online on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services

Pages

  • About Us
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Search

You may have missed

martin-4
  • Nation

Romualdez hails 19th Congress: ‘We legislated for history, not headlines’

admin June 13, 2025
HIV
  • Nation

Posibleng maging ‘health crisis’, tumataas na kaso ng HIV tatalakayin sa senado

admin June 13, 2025
chicken1
  • Nation

DA lifts import ban of wild birds, poultry products from Belgium after avian flu outbreak

admin June 13, 2025
1000018977
  • Nation

House ‘certifies’ impeach proceedings as constitutional

admin June 12, 2025
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Contact Us
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
©2023 theinsidernews.info / All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept”, you consent to the use of ALL the cookies.
Do not sell my personal information.
Cookie SettingsAccept
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT