Photo from DFA
HIGIT sa 300 na pinoy mula sa Ukraine na ang nailikas ng Department of Foreign Affairs mula nang sumiklab ang kaguluhan roon.
Nasa 150 na ang nakauwi sa Pilipinas habang 159 ang nailikas at may 23 pang dumating kagabi.
Matatandaan nitong Marso 10 ,isang grupo ng seafarers ng MV Key Knight, MV Star Helena, at MV Pavlina ang nakabalik na sa bansa na galing Ukraine.
Inaasahan ng DFA na marami pang seafarers ang darating sa bansa sa darating na araw dahil sa repatriation program ng ating bansa.
Samantala, patuloy ang total deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nais pumunta ng Ukraine.
Sinabi ng DFA na ilalagay sa alert level 4 ang naturang bansa dahil sa patuloy ng tensyon roon.
Iniiwasan rin ang pag-aalala ng ating bansa sa delikadong sitwasyong nagaganap .
Sa ngayon ay patuloy ang forced evacuation ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga pinoy na nasa Ukraine.