NATIMBOG ang apat na banyaga sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad at ipapa deport na sa kani-kanilang bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI) ngayong Huwebes.
Ayon kay Commisioner Norman Tansingco , dalawa rito ay South Koreans , American at Dutch national na ngayo’y naka-detine sa pasilidad sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Naaresto noong Oktubre 10 hanggang 18 sa magkakahiwalay na isinagawang operasyon ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa Pampanga, Catanduanes at Metro Manila.
Ang South Korean ay nakilalang si Kim Won ,34 anyos na inaresto noong Oct.10 sa Clark , Pampanga sab bisa ng arrest warrant mula sa Dongbu district ng Seoul dahil sa telecommunication fraud.
Makalipas ang tatlong araw, naaresto naman sa condominium sa Taguig City si South Korean Kim Girok, 29 anyos. Wanted umano ito sa Daegu district dahil sa ginagawa nitong online prostitution at human trafficking scheme.
Isang dutch national naman na si Jan Cornelos Stuurman,71 anyos na pedophile ang inaresto sa Virac , C Catanduanes noong Oktubre 14 dahil sa overstaying at diumano’y nagsamantala ang 3 menor de edad
Samantala, si Steven Vernon Cross na isang American , 51 anyos ay naaresto sa kanyang condominium unit noong Oktubre 18 sa Barangay Sto.Tomas , Quezon City. Siya ay wanted sa US District Court ng Eastern Virginia dahil sa wire fraud at laundering money . Hinatulan ng 1 taong pagkakabilanggo sa ng korte sa Kent County, Michigan ng sexual assault ng bata. Lahat ng suspek ay blacklisted na at bawal ng makapasok ulit sa Pilipinas.