November 30, 2023

4 na construction worker tiklo sa paglalaro ng gagamba

Ni Alex dela Cruz

HULI ang apat na construction worker  makaraang naaktuhang nagsusugal gamit ang gagamba ng Lian Police nitong Lunes ng hapon sa Brgy. Matabungkay, Lian, Batangas

Natukoy  ni Batangas Provincial director  PCol.Samson Belmonte ang mga suspek na sina Jake Arroyo y Laure, 34 anyos; Elson Canteras y Piliin, 33 anyos;  Venancio Tabita y Cappal, 56 anyos at  Jomark Casanova y Tolentino, 25-anyos na pawang mga construction worker  at residente ng lalawigang ito.

Agad na kinumpiska ang 17 pirasong spiders, 3 box cage ng spider, 3 pirasong bamboo sticks na ginamit sa spider fighting at betting money  na nagkakahalagang Php1300.00.

Kasong kriminal ang kakaharapin ng apat na indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602.

Ayon kay PCol Belmonte, “Gambling sets a bad example for children, spider fighting as a pastime is not unlawful, and it only becomes illegal if it involves placing bets. If there is what we call ‘gateway drugs,’ there is also ‘gateway gambling vice.’ These people encourage gambling among kids particularly those who are fond of spiders,”.