
HULI ang apat na drug suspek sa isinagawang buy-bust operation g Cabuyao Police nitong Martes ng umaga sa Brgy. Pittland, Cabuyao City.
Ang mga suspek ay nakilala bilang si alias “Ed” ng Paranaque City, isang High-Value Individual, alias “Niño,” alias “Jas,” at alias “KJ,” na lahat ay Street-Level Individuals mula sa Calamba City.
Ang pag-aresto ay nangyari matapos mahuli ang isa sa mga suspek na nagbebenta ng isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer. Ang kanyang 3 kasamahan ay nakumoiska rin ang ilegal na droga.
Sa paghahalughog ng mga operatiba , natagpuan ang halos 67 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php 455,600.00 kasama ang marked money , pera bilang bayad sa transaksyon, mga sasakyan, at cellphone.
Nagbabala si Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, Regional director ng Calabarzon, sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na aktibidad ng droga sa rehiyon.
Aniya ,”Ang operasyong ito ay nagpapadala ng malinaw na mensahe na hindi namin papayagan ang anumang anyo ng ilegal na kalakaran ng droga sa ating komunidad. Ang mga patuloy na sangkot sa gayong mga aktibidad ay haharap sa buong lakas ng batas. Inaanyayahan namin ang sinumang may impormasyon tungkol sa ilegal na aktibidad ng droga na lumantad at tulungan kami sa aming misyon na lumikha ng isang mas ligtas at drug-free CALABARZON,” .
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa mga kasong Paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.