Post Views: 21
NATIMBOG ng mga otoridad ang apat na suspek na nanloob sa Diocese Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Brgy. Poblacion Uno ,Pagsanjan Laguna noong Nobyembre 5.
Sa isinagawang hot pursuit ng mga operatiba huli ang mga suspek na sina Rogel Tarray Oliveros, alias “Gel”, 28 anyos na construction worker ; Emmanuel Sarmiento Valenzuela, alias “Mukha”, 42 anyos driver, Jose James San Jose Yaneza, alias “Jimmy”, 75anyos na caretaker at Bernabe Adriano Bernante, alias “Epi,” 45anyos , janitor, residente ng lalawigan ng Laguna habang isang suspek na nagngangalang Gerald Estar Lagamon, 27, construction worker ang pinaghahanap pa ng mga otoridad.
Sa ulat ng pulisya, ikinanta ni Rogel Oliveros ang kanyang mga kasamahan matapos ma track sa kanya ang mobile phone ni Marjorie Alcaraz sa Sta.Cruz Laguna na isa sa kanilang ninakaw ng grupo.
Agad na nagsagawa ng followup operation ang Pagsanjan MPS kung saan natukoy sa Brgy.Patimbao ang suspek. Agad naman nitong itinuro ang dalawa pa niyang kasamahan na sina Lagamon at at Valenzuela na siyang nanira ng tabernacle ng simbahan at kinuha ang mga pera sa opisina maging ang laman ng
tatlong donation boxes.
Ayon pa kay Oliveros , si Bernabe rin ang nagtruro kung saan ang pasukan at labasan sa simbahan kung saan itinatago ang pera.
Agad na pinuri naman ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr.,ang mga operatiba sa agarang pagkakadakip sa mga suspek.
Aniya, “It is very unfortunate that a place like the church was robbed by these suspects. We will make sure that these criminals will be put behind bars. Also, our operatives will continue to conduct operation to locate the remaining suspect and hold him accountable for the crime he committed,” dagdag pa ni Nartatez .