.
ISINUGOD sa pagamutan ang 40 katao ng isang paaralan sa Nueva Ecija dahil sa di-umano’y pagkalason sa di pa malamang pagkaing inihanda ng isang hotel sa Subic Bay.
Dumalo sa 5-day educational tour ang mga school heads ng paaralan sa Subic, Zambales at nitong Hunyo 3 mangyari ang inisdente.
Ilan sa mga biktima ay dinala sa James L. Gordon Memorial Hospital at Allied Care Expert Medical Center sa Subic para bigyanng pangunahing lunas makaraang makadama ng matinding pagtatae at pagsusuka.
Habang ang ilan naman sa mga biktima ay nag-self-medication na lamang.
Batay sa imbestigasyon, hindi malaman ng mga biktima kung anong klaseng pagkain ang nagdulot ng pagkasira ng tiyan.
Sapagka’t ang pagkain umano ay inihanda ng kanilang tinuluyang 3-star hotel sa Subic Bay mula Hunto 2 hanggang 6.
Karamihan sa mga dumalo sa seminar ay para sa “Division Training of School Trainers on the Matatag Curriculum” ng mga guro mula sa Department of Education Schools Division Office ng Nueva Ecija.
Kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad.