Umabot na sa 40 Pinoy ang lumikas sa Kyiv na capital ng bansang Ukraine matapos ang pag-atake ng Russia nitong Pebrero 24.
Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong araw ng Sabado at inaasahan pa aniya ang pagdami ng mga lilikas sa mga darating na araw.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz “The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA (Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs), is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm’s way while there is still time,”.
Nagtalaga na ang team ng Philippine Embassy sa Warsaw ang nagbase sa Lviv na siyang mangangasiwa sa repatriation ng Pinoy roon.
Ang Lviv ay nasa 70 kilometro ang layo sa border ng Poland at Ukran na magsisilbing exit point ng mga Filipino.
Ayon sa panayam sa radyo kaninang umaga kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola “Yong bulk ng mga Pilipino, most of them are (in Kyiv) so logical na exit point talaga ang Lviv (The bulk of our Filipinos, most of them are in Kyiv so it’s logical that the exit point is Lviv). If there are other people, for example they are in Odesa, they have to go through Moldova and our Embassy in Hungary is making representations to help them out,”.
Nasa anim na pinoy na ang napauwi ng Pilipinas mula ng sumiklab ang giyera at tinatayang nasa 380 Pilipino pa sa DFA .
Nais narin umuwi sa ating bansa ang nasa 40 Pinoy ang nasa Lviv ngunit nag-aatubili silang umuwi dahil na rin sa kanilang trabaho or ilan sa kanila ay mayroong pamilya na sa Ukraine.