Tinatayang 408 Milyong halaga ng kilo ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba sa isang anti-drug operation sa Marilao, Bulacan nitong Miyerkules ng umaga.
Arestado sa nasabing anti-illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang suspek na nakilala sa pangalang Jalon Supe Laureta mula sa Bacoor, Cavite.
Sa datos ng PDEA, lumalabas isa sa pinakamalaking personalidad ang nadakip na suspek na anila’y nasa likod ng malawakang pagpapalaganap ng droga sa CentralLuzon, kabilang ang lalawigan ng Bulacan.
Sa paunang ulat kaugnay ng operasyon, aabot sa 60 kilong drogang nakakubli sa pakete ng tsaa ang nasamsam mula sa suspek na agad sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Bukod sa droga, narekober din sap ag-iingat ng suspek ang isang Toyota Altis na gamit ni Laueta sa kanyang pagdedeliver ng iligal na kontrabando, dalawang telepono, talaan ng mga parokyano ang iba’t-ibang ID.
Bago pa man ang nasabing drug-bust, tatlong magkahiwalay na operasyon ang matagumpay na naisagawa ng PDEA sa Cavite, Muntinlupa at Quezon City kung saan kumpiskado ang hindi bababa sa P23.5-milyong halaga ng droga.