44 katao sugatan sa lindol sa Abra – NDRRMC

Ni Len Dancel

UMABOT sa 44 angkumpirmadong  nasaktan sa magnitude 6.4 na lindol nitong Martes sa Abra  at ilang karatig ng Hilagang Luzon , ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuling ulkat ng NDRRMC , 32 dito ay mula sa  Cordillera Administrative Region (CAR) habang 12 naman ay mula sa Ilocos Region.

Wala pa naming naiulat na namatay o nawawala na sanhi ng lindol.

Nasa 18,478  pamilya na o 61,514 indibidwal ang galing sa 208 barangay ng Ilocos Region at CAR ang naiulat na naapektuhan ng pagyanig.

Kabilang dito ang 22 pamilya o 76 katao ang tinutulungan sa evacuation centers habang ang iba ay nasa kanya-kanyang mga kamag-anak o kaibigan .

Ayon pa sa NDRRMC , 1,821 kabahayan ang nawasak sa Ilocos Region ,Cagayan  Valley at Car.

Nasa 1,813 bahay ang bahagyang nasira habang 8 naman ang nawasak ng lindol.

Tinatayang nasa PHP57.7 million sa  Ilocos Region, Cagayan Valley at  Cordillera ang mga nawasak na inprastraktura .