Camp BGen Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna – Arestado ang 444 na personalidad sa Regional Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Laguna PPO simula January 10-19, 2024.
Sa isinagawang magkakahiwalay na drug buy-bust operations, naaresto ang 108 na indibidwal at nakumpiska ang 92.35 gramo ng shabu at 8 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot sa PhP635,740.00.
Sa manhunt operations, naaresto ang 109 na most wanted at other wanted persons, 27 sa mga ito ay Most Wanted Persons at 82 naman ay Other Wanted Persons. Sa mga MWPs, apat (4) dito ay Regional Level Most Wanted Persons, siyam (9) ay Provincial Level MWPs, at 14 naman ay City/Municipal level MWPs.
Natimbog din ang 221 na personalidad dahil sa illegal numbers of games at others forms of illegal games sa ikinasang mga operasyon laban sa iligal na pagsusugal at nakumpiska sa kanila ang humigit kumulang PhP77,884 na bet money.
Sa operations against loose firearms, naaresto ang anim (6) na indibidwal at nakakumpiska ng 33 na baril sa isinagawang 35 ng operation.
Ang SACLEO ay isang intel-driven operations ng PNP laban sa lahat ng uri ng kriminalidad kasama na ang iligal na droga, loose firearms, iligal gambling at Most Wanted Person.
Ayon sa pahayag ni Laguna Provincial director PCol Harold Depositar , “Ang tagumpay ng operasyong ito ay patunay sa malasakit at suporta ng mga mamamayan ng Laguna sa laban kontra kriminalidad. Sa tulong ng aktibong partisipasyon ng komunidad, napagtibay ang pagsisikap ng kapulisan na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat laban sa most wanted persons, iligal na droga, loose firearms, at mga iligal na sugal. Ang matagumpay na SACLEO sa Lalawigan ay nagpapakita ng mahusay na koordinasyon at determinasyon ng Laguna PNP at ng mamamayan ng Laguna na ipagtanggol ang bayan laban sa mga uri ng krimen.
