
UMABOT sa 48 katao ang nasakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon laban sa illegal na sugal na tupada sa bayan ng Bay at Sta.Rosa sa Laguna noong nakaraang Sabado.
Ayon sa ulat na nakarating kay Laguna Provincial Director, PCol. Rogarth B Campo, nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng Provincial Special Operation Unit sa pamumuno ni PMaj. Jose Barce Tucio kasama ang Bay Police Station dahil sa ulat ng isang impormante na mayroong nagpapa tupada sa Purok 1, Sitio Kabaritan, Barangay Sto. Domingo, Bay na nagresulta ng pagkakaaresto sa 44 katao.
Apat na indibidwal naman sa lungsod ng Sta.Rosa ang naaktuhang nagsasagawa rin ng sabong sa bakanteng lote ng Progressive Subd., Brgy. Tagapo.
Sasampahan ang mga nakapiit na suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree PD 1602 o illegal gambling .
Sa pahayag ni PCOL CAMPO “eto ang patunay na seryoso ang Laguna PNP sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa mga illegal na tupada sa buong lalawigan.