DUMATING na sa bansa ang 48 Pilipino kasama ang kanilang pamilyang Palestino mula sa Gaza nitong Linggo ng gabi.
Binubuo ito ng 41 na Pinoy at 8 Palestino na asawa ng mga Filipino evacuees ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Administration Antonio Morales.
Sinabi ni Morales , “They are all permanent residents in the Gaza Strip. They are among the 56 evacuees who are able to cross Egypt on Saturday, November 11. However 14 turned back and returned to the Gaza Strip when nine Palestinian family members were not allowed by the border guards to enter Egypt,”.
Nagpapasalamat din siya aniya sa mga embahada na tumulong sa repatriation ng mga Pinoy kaya naman inaasahan pa na madaragdagan pa ng panibagong batch ng Pilipinong uuwi sa bansa ngayong araw.
Samantala sa ilang impormasyong nakarating sa kanila mula sa embahada ng Amman ay nasa 39 na Filipino na lang ang natitiarang naiwan sa Gaza strip.
Atubili pa rin aniyang umalis ang mga ito sa lugar dahil sa kanilang mga asawang ayaw patawirin sa border ng Egypt.
Isa lamang ang pamilyangh mapalad na nakatawid sa border na sina Gemmacabug-Os El Jamal, ang kanyang Palestinong mister na si Dr. Iyad El Jamal at ang kanilang dalawang anak na kung saan ay 31-taon nang naninirahan sa Gaza.