ISANG barko na naglalaman ng 89,600 litro ng petrolyo ang nasabat ng mga awtoridad ang walang sapat na dokumento sa Barangay Cawit, Lungsod ng Zamboanga noong ika-9 ng Setyembre, 2023.
Isinagawa ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-PoZ) ang operasyon ay tulong ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Water Patrol Division, TG Aduana SWM/BARMM, at ang Coast Guard Inspector General – Southwestern Mindanao (CGIG-SWM).
Base sa ulat ng imbentaryo, ang nasabat na produktong petrolyo ay umaabot sa 89,600 litro na may kabuuang halaga na P5.8 milyon.
Ang sasakyang-dagat na ginamit sa pagpupuslit nito ay nagkakahalaga ng P3 milyong piso.