
NASAKOTE ang limang most wanted personality ng Batangas sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa nitong Agosto 18, 2023 sa magkakaibang lugar sa lalawigang ito.
Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces, kinilala ang mga akusado na si Criselda Paras, 56, real estate agent, residente ng Barangay Sabang, Lipa City; James Harold Balinado , 28, plant vendor, na tubong Barangay Sampaloc, Talisay; Eladio Bathan 55, harvester na residente ng Barangay Berinayan, Laurel; Bryan Stark Villacruz , 38, naninirahan sa San Pascual lalawigan ng Batangas at si Christian Mark Lester Bauto, 40, nakatira sa Barangay Batasan Quezon City, Metro Manila.

Sa pinagsama-samang pwersa ng mga otoridad, naaresto si Paras sa ganap na 11:30am sa Barangay Sabang, Lipa City, Batangas sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Trial Court, Bauan, Batangas.

Nasakote naman si Balinado sa Talisay sa kasong Acts of Lasciviousness ( Municipal Level ) sa ganap na 12:50 ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 66, Tanauan City na may petsang January 11, 2023 at may nirekomendang piyansang P180,000.00.
Nahuli naman si Bathan bandang 1:44 ng hapon sa Barangay Berinayan, Laurel, Batangas ang warrant of arrest sa kasong Violation of BP 22 na inilibas ng 5th MCTC Talisay-Laurel, Talisay Batangas na ibinaba noong Enero 25, 2000 na may rekomendang piyansang nagkakahalaga ng P12,000.00.

Nahulog din sa kamay ng mga awtoridad si Stark sa kasong Unjust Vexation sa Mataas na Lupa, San Pascual, Batangas ganap na ika 6:30 ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Family Court, Branch 5, Daet, Camarines Norte nitong July 20, 2023 at may rekomendang piyansang P2,000.00.
Huli rin si Lester sa kasong Violation of BP 22 sa Barangay District 1 Lemery, Batangas sa ganap na 7:15 ng gabi sa isinagawang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na binaba ng Metropolitan Trial Court, Branch 23, Manila na may nirekomendang piyansang P2,000.00.

Ayon kay Belmonte, “Patuloy po ang ating kampanya upang matugis ang mga taong may pananagutan sa batas. Asahan nyo po na patuloy ang pagtatrabaho ng kapulisan ng Batangas upang mapanatili ang maayos at mapayapang komunidad sa ating mga mamayan”.