LIMA ang inarestong most wanted persons (MWPs) na may kasong rape at sexual abuse sa isinagawang operasyon nitong Lunes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Tinukoy ni CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee ang mga suspek ay sina John Lester Gado, Jonathan Nolasco, Arnel Binas, Bernard Posadas, at isang menor de edad suspek ang naaresto sa isinagawang “Oplan Pagtugis”.
Si gado au nabibilang sa ika -3rd most wanted person sa lalawigan ng Batangas kung saan natimbog ng mga otoridad sa Barangay Piña, Taysan, Batangas.Nahaharap siya sa kasong rape o sexual assault na rekomendadong piyansang 200,000 piso.
Samantalang si Nolasco naman ay naaresto ng mga operatiba ng CIDG Cavite sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City.
Si Bina na kabilang sa most wanted person at the Banga Municipal Police Station, was nabbed by members of the CIDG South Cotabato field unit. Siya rin ang tumatayong lider ng Nunoy Group na sangkot sa panggagahasa sa bayan ng Banga at ilang kalapit lugar.
Tinaguriang rank No.8 most wanted naman si Posadas sa lalalwigan ng Cavite dahil sa kasong acts of lasciviousness na maaaring magpiyansa sa halagang 180,000 piso.
Arestado rin ang 17-anyos na suspek sa statutory rape in Purok 6B, Barangay San Roque, San Jose, Occidental Mindoro sa bisa ng warrant of arrest at walang rekomendadong piyansa .