5 parangal hinakot ng CIDG Calabarzon

Ni Cy Quilo

HUMAKOT ng parangal ang Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4-Aย  sa kanilang idinaos na 70thย Founding Anniversaryย  nitong Biyernes (Pebrero 10,2023) sa Camp Crame, Quezon City.

Naiuwi  ni  CIDG-RFU 4A  chief Police Colonel Marlon R. Santos  ang pagiging Best Senior Police Commissioned Officer for Operations CY 2022.

Sa buong Pilipinas ay nasungkit din nila ang pinakamagaling na  Regional Field Unit  sa Category A (CY 2022) .

Nasungkit naman ng CIDG Cavite PFU ang Best Provincial Field Unit (Category A) CY 2022 habang  nabuslo ng CIDG Rizal  RFU 4-A ang Best Provincial Field Unit (Category B).

Mula sa rehiyon ng Calabarzon, ang pinakaasam na parangal na Investigator of the Year (CY 2022) ay naiuwi ni Patrolman Bryan D Majadas ng CIDG-Laguna PFU.