500-M na pekeng paninda,nasabat ng BOC sa Valenzuela City
Ni Emmanuel Santiago

Photo courtesy of BOC
AABOT sa 500 Milyong piso halaga ang mga pekeng gamit at ukay-ukay ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Valenzuela City noong nakaraang linggo.
Tumambad ang mga sari-saring damit,power banks, face masks, at iba pang may mga brand na gamit tulad ng Gucci, Chanel, Fendi, at Louis Vuitton matapos inspeksyunin ng BOC ang warehouse sa E. San Andres cor. T. Santiago St. in Barangay Canumay West nitong Marso 7.
Nadiskudre rin ang mga pipe fittings, carpet rolls, refrigerants, caustic soda flakes at kahon ng sari-saring alahas at relo. Hindi na binanggit ng BOC ang may-ari ng mga ito na siyang mananagot at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 1114 of Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, and the Intellectual Property Code of the Philippines.