
ISANG pulis ang dinakip ng kanyang mga kabaro sa tupadahan ng manok sa sa Sta.Mesa ,Maynila.
Nahaharap sa patong- patong na kasong kriminal si Police Lieutenant John Kevin Menez makaraang tangkaing subain ang kapustahan sa loob ng sabungang pinangangasiwaan ng Pitmaster sa Sta, Mesa, Maynila.
Base sa talaan ng PNP lumalabas na si Menez, na residente ng Tondo, Maynila ay nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit ng Calabarzon PNP.
Ayon kay Manila Police District Director Brigadier General Leo Francisco, nakatanggap sila ng isang timbre ng kanilang impormante kaugnay ng isang pulis na namumusta sa loob ng sabungan sa Sta, Mesa.
Pagdating sa lugar, inabutan si Menez na noo’y pinipiit makalabas makaraang takbuhan ang kapustahan.
Sa pagsisiyasat, lumalabas ding naisanla pa ng naturang opisyal ang dalawang sasakyang hiniram lamang umano sa dalawang kaibigan – kabilang ang kabaro at isang SK chairman na una nang dumulog sa himpilan ng MPD.
Bigo rin umanong mailabas ni Menez ang P500,000 operational fund na gamit ng PNP Drug Enforcement Group sa mga operasyon kontra droga.
Napag alaman din nasa restrictive custody na si Menez bago pa man siya dinakip sa Maynila.
Nahaharap sa patong-patong na kasong estafa ang suspek.