ARESTADO ang 54 katao sa isinagawang isang linggong operasyon sa inilunsad laban sa ipinagbabawal na gamot na nagsimula noong Pebrero 11 hanggang Pebrero 17, 2024.
Alinsunod sa kampanya kontra ilegal na droga ng Police Regional Office CALABARZON sa pamumuno ni Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nagsagawa ng 46 na operasyon ang Batangas Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Samson B Belmonte, Provincial Director .
Nakumpiska ng mga operatiba ng 83.14g ng shabu at 40g ng marijuana na nagkakahalaga nang nasa Php 570,152.00.
Ilan sa mga malalaking huli ng kapulisan ay nagresulta mula sa Lipa City Police Station kung saan naaresto si alyas “Teng” noong Pebrero 16, 2024 at nakuha mula sa kanya ang 29.60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 201, 280.00.
Samantala noong Pebrero 17, 2024, huli din ng kapulisan ng Lipa ang tatlong suspek na sina alyas Ute, alyas Jielyn, at alyas Borix kung saan nasamsam sa kanila ang nasa 15.29 gramo ng shabu na may halagang Php 103, 972.00.
“Atin pong pagtulung-tulungan ang isang mapayapang hinaharap para sa ating mga mahal sa buhay. Labanan po natin ang salot na droga na siyang sumisira sa buhay ng ating mga kababayan.” – PCol Belmonte .