
ANIM na ang nasawing Dumagat matapos tamaan ng sakit na pagtatae o diarrhea sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon.
Sinabi ni provincial health officer Kristine Villasenor naitala ang unang pagkamatay noong Setyembre 26 sa Baranagay Lumutan kung saan dead on arrival ito sa rural health unit sa Tanay , Rizal .
Kasunod noon ang lima pang biktimang namatay kung saan higit pa sa 70 kaso pa ang naitala noong Setyembre 29.
Bukod sa pagtatae, nakaranas rin ang mga ito ng matinding ubo’t sipon .
Sa ngayon ay wala pa umanong diarrhea outbreak sa lugar ayon pa kay Villasenor.
Nagpadala na ng team ang provincial health office ng General Nakar rural health unit at Southern LUzonnCommand ng maiinom na tubig at mga herbal kung saan nagsagawa ng medical mission upang turuan na rin ng tamang hygiene ang mga Dumagat.